ANG HINDI INAASAHANG REGALO NI NANAY NGAYONG PASKO MULA SA KAPULISAN NG EPD

Laking tuwa ni nanay Merlita Villamor Rabino ng maipagkaloob na sa kanya ang Pabahay ng EPD bilang regalo sa kanyang ika-72 na kaarawan at bilang Pamaskong Handog ng Eastern Police District sa pamumuno ni PBGEN MATTHEW P BACCAY, District Director EPD kaninang 8:00 ng umaga ika-25 ng Disyembre sa Bulalad Settlement, Barangay Nangka, Marikina City.

Si nanay Merlita ay isa sa napiling benepisaryo ng “Pamaskong Pabahay ng EPD”, na naglalayong ayusin ang mga nasirang bahay mula sa mahirap na pamilya na sinalanta ng pagbaha sanhi ng Bagyong Ulysses na nag-iwan ng matinding pinsala sa lungsod ng Marikina.

Kaninag umaga pinamunuan ni PBGEN BACCAY, ang ama ng kapulisan ng Metro East kasama sina PCOL RESTITUTO ARCANGEL, COP Marikina; PLTCOL VIVIEN OCAMPO, Chief DCADD; at PMAJ ERIC C CISTER, Deputy DCADD ang pagkakaloob ng naipatayong pabahay kay nanay Merlita. Sa karagdagan, nagbahagi din ng mga kagamitan sa bahay tulad ng mga kagamitan sa kusina, mga beddings, grocery items at iba pa pang kagamitan sa bahay.

 

Laking pasasalamat ni nanay Merlita sa buong kapulisan ng EPD sa pagbibigay ng isang bagong kanlungan para sa kanyang pamilya, isang bahay na maaari siyang magsimula muli.

 

“Ito na marahil ang pinakamasayang pasko at pinakamasayang kaarawan sa tala ng aking buhay sapagkat ito ang unang kong pagkakataong tumira sa isang maayos na bahay” naiiyak na kwento ni nanay Merlita.

 

Ang proyekto ay salungguhit ng pangako ng EPD hindi lamang upang paglingkuran at protektahan ang mamamayan, ngunit upang matiyak din ang kapakanan ng mga nasasakupan. ##