Ngayong araw, Enero 18, 2021 kasabay ng Monday Flag Raising Ceremony, sa pamumuno ng ama ng kapulisan ng Metro East na si PBGEN MATTHEW P BACCAY ay nagbahagi ng tulong pinansyal sa 6 na napiling benepisyaryo ng Adopt-A Student Program na naganap sa EPD Multi-Purpose Hall. Sa kasalukuyan, may 6 na benepisyaryo ang nasabing programa na initiatibo ng mga tauhan ng District Community Affairs Development Division sa pamumuno ni PMAJ ERIC C CISTER, Assistant Chief.

Maliban sa monthly visitation, ang programang Adopt-a-Student ng EPD ay naglalayong gabayan ang mga mag-aaral na kabilang sa mga nagdarahop na pamilya ngunit nagsusumikap makapagtapos ng pag-aaral sa gitna ng unos dulot ng COVID 19.

Ang mga napiling 6 na mag-aaral, 2 sa Grade 9 at 4 sa Grade 12, mula sa Nagpayong High School, Pinagbuhatan Pasig City ay nakatangap ng 4 na tigsa- sampung libong piso (Php 10,000) sa pakikipagtulungan ng mga stakeholders gaya nina kay Mr John Nathaniel Fabico, President/CEO, Sabon Station, Philippines at 2 Huawei Matepad mula naman kay Capt Jeffrey Rodriguez, General Manager, Ultraship Crewing Philippine Inc na gagamitin sa kanilang mga pangangailangan sa pag-aaral.

“Lubos po ang aming pasasalamat sa buong kapulisan ng EPD at nagkaroon sila ng programa tulad nito. Malaking tulong po ito hindi lang para sa aming mga anak kundi pati din sa aming mga magulang” tugon ng isa sa mga magulang ng mga mag aaral.

Ayon naman kay PBGEN BACCAY “Nais naming ipadama sa ating mga kababayan na ang inyong kapulisan ay may puso sa pagtulong sa abot ng aming makakaya dahil hangad din naming magtagumpay ang mga mag-aaral upang makatulong sila sa kanilang mga magulang”.

Binigyan din ng parangal ang mga Stakeholders na katuwang ng EPD sa nasabing programa bilang pasasalamat sa kanilang patuloy na pagsuporta sa tagumpay ng mga programa at proyekto ng EPD. Gayun din, nag-abot din ang EPD pasasalamat kay Madam Jolibeth R Ema, School Coordinator, Nagpayong National High School, Pinagbuhatan Pasig City sa kanyang tulong upang maging matagumpay ang nasabing programa.