Ang liderato ng Kapulisan ng Silangang Distrito sa pamamagitan ng mga tauhan ng District Community Affairs and Development Division (DCADD), miyembro ng Kabataang Kontra Droga ((KKDAT), sa tulong at suporta ng mga pribadong indibidwal,ay taus-pusong namahagi ng ibat-ibang klase ng mga gulay sa mga residente ng Brgy. Kalawaan, Pasig City pasado alas-3:00 ng hapon ngayong araw, April 23, 2021.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayong maghatid ng serbisyo publiko para sa mga mamamayang apektado ng pandemya.
Habang isinasagawa ang nasabing pamamahagi, pinaalalahanan ang mga taga residente na sumunod sa health safety protocols na pinapatupad ng pamahalaan upang makaiwas sa naturang sakit.
Naging matagumpay ang pamamahagi ng gulay sa naturang lugar,tinatayang limampung (50) pamilya ang nakinabang at taos pusong nagpaabot ng pasasalamat sa munting tulong na ipinamahagi sa kanila.